Noli Me Tangere
Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo y Realonda. Kahit noong siya ay bata pa lamang, marunong na itong magsulat ng kuwento. Kayat’t paglaki niya, magaling na siyang sumuat ng mahahabang noveila. Nang siya ay 26 na taong gulang, na “publish” na niya ang kanyang unang nobela na pinamagatang, “Noli Me Tangere” na hango sa pagpapahirap ng mga mananakop nung panahong iyon. Isinulat niya ang “Noli Me Tangere” bilang pang-gising sa mga kapwa niya Pilipino tungkol sa pagmamalupit ng mga dayuhan sa ating bansa.
Ang “Noli Me Tangere” ay isang nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Ito ay isa ring ginagawang dula ng ating mga kababayan hanggang ngayon. Nagpapakita ito ng tunay na pagmamahal ng dalawang magkasintahan, ng magulang at ng bayani sa kaniyang bansa. Ito rin ay nagpapakita ng pang-aabuso ng mga kastila sa ating mga kababayan. Ang bawat tauhan ng nobelang ito at nagsisimbulo ng makabuluhang pangyayari, malungkot man o masaya, ngunit tunay na naganap sa Pilipinas dalawang-daang taon nang nakaraan.
Isinadula ang “Noli Me Tangere” at noong Septiyembre 9, 2010, napanuod ko ito sa AFP Theater. Noong kami ay papunta sa AFP Theater, hindi ko alam kung ano ang maaasahan ko sa dulang ito. Ngunit, pagkatapos ng dula, masasabi ko na marami akong na-“realize” tungkol sa ating kasaysayan. Naisep ko na maraming pinagdaanang hirap ang ating mga ninuno at maraming hindi makaturangang pangyayari ang naganap sa atin noon. Ang pari pala noon ay maaring maging kasing suklam ni Padre Damaso. Ang ordinaryong ina pala noon ay maaring maging mahina ay walang boses kahit ito ay pinagmamalupitan. Ang mga Pilipino pala noon ay maaring maging sunod-sunuran sa mga dayuhan sa ating sariling bansa. Nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya sa mga nangyari.
Ngunit napag-isep ko rin na maraming mabuting bagay ang naipakita ng dula. Naisip ko na sa gitna ng malungkot na pangyayari, ang mga Pilipino ay kayang bumangon at magsimula ng bagong “chapter” sa ating buhay. Naisip ko na marunong tayo gumawa ng paraan habang kakaunti ang ating mga “resources” kaya’t lumalabas ang ating tunay na tapang at pagka-malikhain. Alam ko rin, na pag nagka-isa, malalampasan natin ang kahit na anong hirap at pagmamalupit ng ibang tao sa atin. Lagi tayong may pag-asa sa ating mga puso kaya tayo ay magtatagumpay bilang isang bayan. Patuloy itong magiging inspirasyon sa akin habang ipinagpapatuloy ko rin na maging isang “proud” na Pilipino saan man ako naroon.
No comments:
Post a Comment